Ano Ang Naging Paniniwala Ng Mga Prayle Tungkol Sa Naganap Na Pag Aalsa Sa Bayan Ng San Diego?, (Kabanata 59,Noli Me Tangere)

Ano ang naging paniniwala ng mga prayle tungkol sa naganap na pag aalsa sa bayan ng San Diego?

(Kabanata 59,Noli Me Tangere)

Noli Me Tangere

Kabanata 59: Pag ibig sa Bayan

Ang mga prayle ay naniniwala na ang naganap na pag aalsa ay bunga ng pagiging pilibustero ng mga mag aaral sa heswita sa Ateneo. Iniisip nila na ang pag aaral ang siyang nagtulak para ang mga tao ay maghimagsik laban sa pamahalaan at sa mga namumuno sa simbahan. Batid ng mga prayle na ang mga tao ay hindi makapagsasagawa ng paghihimagsik kung walang taong magniningas ng mitsa nito. Sa lahat ng ito, ang tanging malinaw lamang sa kanila ay ang pangalan ni Crisostomo Ibarra. Iniisip nila na naging magulo lamang ang bayan ng San Diego simula ng bumalik si Ibarra mula Espanya ay magkaroon ng hidwaan sa pagitan niya at ni Padre Damaso.

Sa puntong ito, ang nais ipakita ng kabanatang ito ay ang kagustuhan ni Ibarra at ni Dr. Jose rizal sa pamamagitan ng katauhan ni Ibarra sa nobelang ito na ang pag ibig sa bayan ay maraming kalakip na sakripisyo at isyung panlipunan. Ang pag aalsa ay isa lamang sa mga paraan upang ipahayag ang pag ibig sa bayan. Nagkakaroon lamang ng negatibong konotasyon ang himagsikan sa oras na ito ay daanin sa dahas at nagkakaroon na ng sakitan.

Read more on

brainly.ph/question/2123152

brainly.ph/question/2128924

brainly.ph/question/2128925


Comments

Popular posts from this blog

A Resolution For The Destruction Of Mother Earth

What Are The 9 Planets With Meanings