Anong Ibig Sabihin Ng Moral

Anong ibig sabihin ng moral

Moral

Kahulugan:

Ang salitang moral ay maaaring ang mensaheng nakapaloob sa isang maikling kwento na nais ng manunulat na iwan bilang aral sa mga mambabasa. Kadalasan, ang moral ng kwento ay ang diwang naiiwan o tumatatak sa isipan ng mga mambabasa. Ito ay karaniwang binibigay ng pangunahing tauhan sa kwento sa pamamagitan ng kanyang kilos, pananalita, o pangwakas na gawain sa kwento. Sa katunayan, ito ang nagbibigay - halaga sa kwentong binasa. Sa kabilang banda, ang moral din ay tumutukoy sa pagkilala ng mga bagay na tama o mali, mabuti o masama, o makatao o hindi. Ito ang karaniwang nagiging basehan ng tao kung paano siya makikisalamuha sa iba sapagkat ang lipunan ay may sariling pamantayan sa kung ano ang tama at katanggap tanggap. Kaya naman ang tao ay kinakailangan na sumunod sa mga alituntunin ng lipunan. May mga pagkakataong ang moral ay ginagamit na pamalit sa etika sapagkat sila ay kapwa tumutukoy sa pansariling paniniwala, kilos, at gawi. Ang ilan sa mga halimbawa ng moral ay pagsasabi ng katotohanan, pagtupad sa mga pangako, paggalang sa iba, pagiging mapagpatawad, pagkakaroon ng pasensya, at pagsisilbi sa iba. Ang mga ito ay karaniwang nahahasa ng panahon at nananatili sa taong nagsisikap na mapanatili ang kanyang moralidad.

Read more on

brainly.ph/question/794344

brainly.ph/question/584968

brainly.ph/question/221636


Comments

Popular posts from this blog

A Resolution For The Destruction Of Mother Earth

What Are The 9 Planets With Meanings