Mahahalagang Pangyayari Sa Noli Me Tangere Kabanata 47 To 48............
Mahahalagang pangyayari sa noli me tangere kabanata 47 to 48............
Noli Me Tangere
Mahahalagang Pangyayari:
Kabanata 47: Ang Dalawang Senyora
1. Ang pagtatama ng paningin ni Donya Victorina at ng alperes na nauwi sa mahabang pagtatalo at pagsasakitan ng dalawang donya.
2. Dumating si Pari Salvi at kaagad na umawat sa kaguluhan ngunit binulyawan lamang siya ng alperes at sinabi siya ay nagbabanal banalan lamang.
3. Sinabihan ni donya Victorina ang asawang si don Tiburcio na daanin na lamang sa dwelo (ang alperes at si don Tiburcio) ang kanilang pagtatalo. Tumanggi ito at lalong nagalit ang kabiyak.
4. Pagdating nila ng bahay ng mga Delos Santos ay naabutan nilang magkausap si Maria Clara at Linares. Sapagkat hindi niya makumbinsi ang don na hamunin ng dwelo ang alperes, si Linares na lamang ang inutusan nito.
5. Nakauwi na ng bahay si kapitan Tiyago matapos na matalo sa lasak. binungaran agad ito ng donya na wag daw payagan si Linares na pakasalan si Maria Clara kundi ito papayag na makipag dwelo sa alperes. Sinabi pa niya na hindi nababagay si Maria Clara sa isang taong duwag.
6. Umalis na ang mag asawang de Espadana matapos na maibigay ang kwenta ng pagpapagamot ni Maria Clara. Naiwan si Linares na puno ng pagtataka.
Kabanata 48: Ang Talinghaga
1. Masayang ibinalita ni Ibarra sa mga tao sa bahay ng mga Delos Santos na siya ay hindi na ekskomunikado sapagkat sumulat na ang arsobispo ukol sa bagay na ito.
2. Nakita ni Ibarra si Linares na naroon din at kasama ni Maria Clara sa balkonahe.
3. Dahil sa labis na panghihina dulot ng pagkakasakit hindi nagawang lapitan ni Maria Clara ang kasintahan kayat ito na lamang ang lumapit sa kanyang kinaroroonan.
4. Nagpaalam na si Ibarra sapagkat napuna niyang wala sa kondisyon si Maria Clara at sinabing bukas na lamang ulit siya dadalaw sa kasintahan.
5. Masayang ibinalita ni Ibarra sa lahat ng makita sa daan na siya ay hindi na ekskomunikado. Ang lahat ay hindi na nabigla sapagkat maging si Nol Juan ay naging ekskomunikado ring gaya niya.
6. Nagkaroon ng maikling pag uusap sina Elias at Ibarra ukol sa babala sa kaligtasan ni Ibarra.
Read more on
Comments
Post a Comment