Resolusyon Sa Paggamit Ng Teknolohiya
Resolusyon sa paggamit ng teknolohiya
Marami na ang nagpapasya na magkaroon ng resolusyon sa paggamit ng teknolohiya. Marahil nakita na nila ang negatibong resulta sa kinasayan nilang paraan ng paggamit nito.
Ang ilan sa popular dito ay ang paggamit ng internet, telebisyon, gadget gaya ng smartphones. Narito ang ilan sa makakatulong sa iyo sa paggawa ng resolusyon ukol dito.
Tanungin ang sarili ng mga bagay na ito:
1. Nakakaramdam ba ako na hindi ako mapakali, naiinis kapag hindi ko magamit ang gadget ko, o ma problema sa connection ko?
2. Kahit nagtatakda na ako ng oras sa paggamit nito, malimit pa din na lumalagpas ako?
3. Hindi ko na ba nagagawa ang ilan sa aking iskedyul o napupuyat ba ako ng madalas sa paggamit nito?
4. Isyu na ba ito sa aking kapamilya o sa mga kaibigan?
5. Sang-ayon na ba sila sa mga sagot ko sa itaas na mga tanong?
Kung oo ang sagot mo kahit na sa isa lamang diyan, kailangan mong tanggapin na hindi na tama ang paggamit mo sa teknolohiya. Baka nga nasabihan ka nang adik dahil dito. Huwag dibdibin, baka kasi maging ang mga eksperto ay magsabi niyan sa iyo. Pero huwag mangamba! Mayroon pang mga paraan upang magapi mo ang adiksyong ito.
Resolusyon sa Paggamit ng Teknolohiya
Ginagamit mo man ang teknolohiya sa paglilibang, trabaho, paaralan o sa iba pang naiisip mong mahalaga, kailangan mong magtakda ng limitasyon. At sundin ito.
- Ang haba ng oras na gugugulin mo sa social media ay dapat tuusin kada araw.
- Pag-isipan kung ang mga applications mo ay mabuting uri. Alisin ang anumang mayroong bahid ng espiritismo, imoralidad, karahasan at iba pang negatibong mga kaisipan. Junk food ito sa iyong kaisipan.
- Ang research tools para sa gawain sa trabaho at school ay gawin sa takdang oras at huwag munang sabayan ng iba pang entertainment platforms na magpapabagal sa iyong performance.
Ang ilan ay ginagawa ito:
1. Nagpapatulong sa mga kapamilya o kaibigan na laging ipaalala sa kniya ang kaniyang resolusyon.
2. May makatuwirang gantimpala kapag naaabot mo ang isang espisipikong tunguhin o parusa naman kapag nabigo kang sundin ito.
3. Gumamit ng alarm.
4. Isulat sa makikitang lugar o pader ang dahilan at paraan mo ng paggamit ng resolusyon.
5. Magsaayos ng iba pang gawain gaya ng aktibong mga gawain ang ilang panahon na aalisan mo ng paghawak sa iyong gadget.
6. Ipanalangin din ito.
Huwag Sumuko
Tandaan na puwedeng mabigo ka sa pagsunod sa iyong resolusyon. Pero puwede mo ding isipin na bahagi pa din iyon ng iyong pag-abot. Hindi pa iyon ang katapusan. Ang totoo, nabigo ka na lamang kapag tumigil ka na sa pag-abot niyaon. Kaya bumangon ulit, magsimula at matuto sa nakaraang pagkakadapa.
epekto ng teknolohiya sa mga kabataan: brainly.ph/question/540448
epekto ng teknolohiya sa kalusugan: brainly.ph/question/2136147
survey tungkol sa teknolohiya: brainly.ph/question/480347
Comments
Post a Comment