Unang Punto Tungkol Sa Alkohol
Unang punto tungkol sa alkohol
Ang alkohol ay isang inuming nakalalasing. Pero ito ba ay ipinagbabawal na inumin ng isang tao. Hindi naman!
Ang alkohol ay matatagpuan sa mga katas ng prutas na naging fermented. Sinasabi ng isang katotohanann sa Bibliya na malinis ang disenyo dito.
Awit 104:15 At alak na nagpapasaya sa puso ng tao, Langis na nagpapaningning ng mukha, At tinapay na nagpapalakas sa puso ng tao.
Makikita sa tekstong ito sa Bibliya na ang alak ay bahagi ng regalo sa mga tao kagaya ng langis at tinapay. Ang katamtamang pag-inom sa pribado o ng may kasama ay nagbibigay ng pagkakataon na masiyahan sa samahan habang na-eenjoy ang alak.
Pero nagbabala din naman ang Bibliya tungkol sa sobrang pag-inom ng alak. Mababasa sa Kawikaan 23:29,30 ang ganito:
"Sino ang may problema? Sino ang di-mapakali?
Sino ang nakikipagtalo? Sino ang may reklamo?
Sino ang may mga sugat nang walang dahilan?
Sino ang may mapupulang mata?
Ang mga taong nagbababad sa pag-inom ng alak"
Maliwanag na, hindi kinukunsinti ng Bibliya ang sobrang paglalasing anupat nakaaapekto na ito sa iba at sa iyong pamumuhay. Laging dapat suriin ng bawat indibiduwal kung ano ang sukat ng katamtaman yamang magkakaiba tayo ng pinagmulan, uri ng alak na iniinom, kakayahang malasing at iba pang salik. Sa paggawa nito, nagiging tunay na responsable tayo sa pag-inom ng inuming de-alkohol.
Comments
Post a Comment