Ano Ang Pag Kakaiba Ng Panghalip Sa Pangngalan

Ano ang pag kakaiba ng panghalip sa pangngalan

Explanation:

PANGALAN AT PANGHALIP (filipino 1)

PANGALAN

Ang PANGALAN ay bahagi ng panalitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, gawa, hayop, lugar, pangyayari o kaisipan.

URI NG PANGNGALAN

PANTANGI- Tiyak itng ngalan ng tao, bagay, gawa, hayop, lugar, pangyayari o kaisipan.

Nagsisimula ito sa malaking titik.

halimbawa: Jollibee Maria Manila Sanyo

2. PAMBALANA- Karaniwan o pangkalahatan itong ngalan ng tao, bagay, gawa, hayop, lugar,

pangyayari o kaisipan. Nagsisimula ito sa maliit na titik.

halimbawa: barko damit guro manggagamot

ANYO NG PANGNGALAN

1. PAYAK- Binibuo ito ng salitang-ugat lamang.

Hal. araro araw bato buwan

2. MAYLAPI- Binubuo ito ng salitang-ugat at panlapi.

hal. binata (bata) mag-aaral (aral) panggatong (gatong) tindahan (tinda)

3. INUULIT- Binubuo ito ng salitang inuulit ang pantig o ang salitang-ugat.

Bayan-bayan buhay-buhay biru-biruan kuro-kuro

4. TAMBALAN- Binubuo ito ng dalawang magkaibang salitang pinagsama upang makabuo ng

isang bagong salita.

Halimbawa. anak-pawis bahag-hari kapitbahay takipsilim

KASIRIAN NG PANGNGALAN

1.PANLALAKI- Maari lamang gamitin ang pangngalan para sa mga lalaki.

Hal. lolo mario ninong tandang

2.PAMBABAE- Maari lamang gamitin ang pangngalan pa sa mga babae.

Hal. ate dalaga Gng. Ramos madre binibini

3.PAMBALAKI o DI-TIYAK- Maaring gamitin ang pangngalan para sa babae man o lalaki

Hal. kapatid guro manok manggawa

4. WALANG KASARIAN- Hindi nauugnay sa babae man o lalaki. Nabibilang dito ang mga

bagay na hindi buhay

Hal. aklat dagat gusali Pampanga

KAUKULAN NG PANGNGALAN

1. PALAGYO - Ginagamit ang pangngalan bilang simuno, pamuno sa simuno, pangngalan

patawag, kaganapang pansimuno o pamuno sa kaganapang pansimuno.

Gamit bilang simuno

Hal. Nag-aaral si Maria ng pagluluto bago siya mag-asawa.

Gamit bilang pamuno sa simuno

Hal. Si Jose, ang ating pangulo, ay marunong umunawa sa mga api.

Gamit bilang pangngalang patawag

Hal. Pedro, buahtin mo ang sako ng bigas.

Gamit bilang kaganapang pansimuno

Hal. Si Bill Clinton ay pangulo ng Estado Unidos

Gamit bilang pamuno sa kaganapang pansimuno

Hal. Ang sundalong iyon ay si Col. Santos, ang pamangkin ni Tiya Maria.

2. PALAGYON - Ginagamit ang pangngalan bilang layon ng pang-ukol, layon ng pandiwa o

tagaganap ng pandiwang balintiyak.

Hal. Sa kanto pupunta si Jose. (layon ng pangukol)

Bumili ng bahay ang mag-asawa. (layon ng pandiwa)

Kinuha ni Butch ang mga papel sa mesa. (taganap ng pandiwang balintiyak)

3. PAARI - Nagsasaad ang pangngalan ng pag-aari at karaniwan itong ipinakikilala ng ni, nina, ng

at ng mga.

Hal. Binili ni Pedro ang bahay nina Samuel.

Panay hirama ang mga aklat ng bata.

PANGHALIP

Ang panghalip ay bahagi ng panalitang ginagamit bilang pamalit o panghalili sa pangngalan.

MGA URI NG PANGHALIP

PANAO - humahalili sa pangngalan ng tao.

Hal. Sa pangungusap na "Mabuti si Alice", ang Alice ay maaring palitan ng siya.

Kayat ang pangungusap ay magiging "Mabuti siya."

MGA PANGHALIP NA PANAO

PANAUHAN/KAILANAN PALAGYO PAUKOL PAARI

ISAHAN

Una ako ko akin

Ikalawa ikaw, ka mo iyo

Ikatlo siya niya kanya

DALAWAHAN

Una kata nita kanita

kita, tayo natin atin

Ikalawa kayo ninyo inyo

Ikatlo sila nila kanila

MARAMIHAN

Una kami namin amin

Ikalawa kayo ninyo inyo

Ikatlo sila nila kanila

hal. Ako ang masusunod.

Hindi ko ninakaw ang pitaka.

Akin ang pinakamagandang kuwento.

2. PAMATLIG - Tagapagturo ito sa mga pangngalan.

Hal. Ito ang ebidensya laban sa kanila.

Iyan ay panis na.

Iyon ang ating pupuntuhan.


Comments

Popular posts from this blog

A Resolution For The Destruction Of Mother Earth

What Are The 9 Planets With Meanings