Ang Epekto Ng Gang Sa Mga Kabataan
Ang epekto ng gang sa mga kabataan PAGLAHOK SA FRATERNITY O GANG Ang usaping ito ay kabilang sa pag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 - Modyul 14: Karahasan sa Paaralan . Tinalakay dito ang kahulugan ng Pambubulas o Bullying, Uri ng Pambubulas, Epekto ng Pambubulas, Solusyon sa Pambubulas, Gang at Fraternity , Pagmamahal, Paggalang, at Respeto sa Sariling Buhay at sa Kapwa. Bilang panlipunang nilalang, likas sa atin ang pagnanais na mapabilang. Ang usapin na lamang ay kung anong uri ba ng pangkat ang iyong ninanais na kabilang o sa kasalukuyan ay kinabibilangan. Katulad ng lumalalang suliranin sa pambubulas ay ang paglago rin ng bilang ng mga kabataan na kabilang sa fraternity at gang maging sa loob ng paaralan. Sa kasalukuyan, ang gang ay mas bata, mas marahas, walang takot at higit sa lahat mayroon ng mga kababaihan. Ano ang kahulugan ng gang? Ang gang ay isang pagsasamahan ng tatlo o mahigit pang indibidwal na ang tanging layunin ay makilahok o sumali sa masasamang g...